Salary loan sa SSS wala pa

MAGADANG araw sa Aksyon Line.

Ako po si Ernesto Velasco Jr. na humihi-ngi po ng oras ninyo na bigyan pansin po ang kasalukuyang pag-loan ko sa SSS.
Halos isang buwan na po kasi ang nakakalipas nung pinasa ko ang nasabing loan application ko.

Ito po ang aking SSS# 3400…..

Naway matulungan ninyo po ako sa aking loan application.
Maraming mara-ming salamat po.

Lubos na gumagalang
Ernesto Paragas
Velasco, Jr.

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa inyong email na aming natanggap noong February 12, 2018 kung saan humihingi kayo ng tulong sa inyong salary loan application.

Nabanggit ninyo sa inyong email na halos isang buwan na ang nakalipas nang ipasa ninyo ang inyong application sa SSS.

Batay po sa aming verification, natanggap at naencode na sa system ng aming sangay sa San Francisco del Monte ang inyong application noon Enero 30, 2018. Kasalukuyan ay nakapila na po ito sa paggawa ng cheke.

Ipadadala ng SSS sa pamamagitan ng koreo ang inyong salary loan check sa inyong employer. Pinapayuhan namin po kayong makipag-ugnayan sa inyong employer para rito.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...