“(T)his Court thus, HOLDS IN ABEYANCE the arraignment and pretrial it tentatively set on February 15, 2018, with respect to Aquino, Purisima and Napenas,” saad ng isang pahinang desisyon ng korte.
Kasama ni Aquino sa kaso si dating PNP Chief Alan Purisima at dating Special Action Force chief Getulio Napenas. Sila ay nahaharap sa mga kasong graft at usurpation of official function.
Inilabas ng Sandiganbayan ang desisyon matapos na magpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema batay sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida na dapat ay mas mabigat ang kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa ng Ombudsman.
Ang kaso ay nag-ugat sa lihim na operasyon ng SAF laban sa Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF.
Follow us on Facebook: inquirerbandera Twitter: @banderainquirer Instagram: banderainquirer