Alden inatake ng nerbiyos nang mag-donate ng dugo para sa Kapuso: Wala palang sakit!


KABADO si Alden Richards nang una siyang kunan ng dugo.

Nitong nakaraang mga araw, naging bahagi ang Pambansang Bae sa bloodletting program ng Kapuso Foundation at hindi lang pagbisita ang ginawa niya, nag-donate din siya ng blood, huh!

May mga chika kasi siyang narinig na kapag nag-donate ng dugo ang isang tao, nandiyan ‘yung makakaramdam ka ng hilo pagkatapos.

“Walang sakit! Napakabilis. Mukha lang siyang masakit, mukha lang siyang mahirap pero trust me, wala akong naramdaman,” pahayag ni Alden sa isang interview.

Hinangaan si Alden sa ginawa niyang ito. Para sa kanya, paraan ang pagdo-donate niya ng dugo para maibahagi ang parte ng sarili niya sa kanyang kapwa.

“It save lives and to be of service doon sa mga nangangailangan. Very fulfilling po ‘yung donation,” rason ni Alden.

Samantala, sa lahat ng nagtatanong kung ano na ang mga susunod na proyekto na ni Alden sa GMA 7, huwag daw kayong mainip dahil very soon ay ia-announce na ng GMA 7 ang mga next assignments ng Pambansang Bae.

Kaya kapit lang, huwag mawalan ng pag-asa. Pasasaan ba’t muling magkakasama ang AlDub sa isang proyekto na talagang ikagugulat ninyo.

Read more...