Juancho Trivino nakaligtas sa galit ng AlDub Nation


LIGTAS si Juancho Trivino sa pambaba-bash ng solid Alden Richards at Maine Mendoza fans dahil kaibigan ang turing ng Kapuso actor sa Phenomenal Star.

Kahit kasi tapos na ang pinagsamahan nilang Kapuso series na Destined To Be Yours, hindi sumabay sa ending ng DTBY ang pagkakaibigan nila.

Marami nga ang nagulat nang kasama nina Maine at Sheena Halili sa premiere ng pelikulang “Meet Me In St. Gallen” ang aktor. Imagine nga naman, more than a year na ‘yung pagsasama nilang tatlo nina Meng pero hayun, chill-chill pa rin silang magkakasama.

Sa exclusive interview kay Juancho ng GMA Network.com sa taping ng kinabibilangang bagong series na Inday Will Always Love You, ibinahagi niyang nagsimula ang closeness nila ni Meng nu’ng nasa bundok sila para mag-taping.

“Walang signal kaya we had no choice but to talk to each other, and to bond with each other. Isipin mo sa buong teleserye magkakasama kami,” saad ni Juancho.

Nagsimula raw ang friendship nila sa birthday party ni Sheena kung saan nabuo ang tinawag nilang Team Pelanggi.

Read more...