Mga pulis namigay ng bulaklak sa mga pasahero ng MRT sa Valentine’s Day

INIKOT ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at Police Community Relation Group ng Philippine National Police ang Cubao station ng  Metro Rail Transit-3 (MRT) para mamigay ng bulaklak sa mga pasahero bilang paggunita ng Valentine’s Day.

Tinagurian ang pamimigay ng rosas ng mga pulis na “Katok ng Pagbabago Mula sa Puso” para sa Araw ng mga Puso.

Nagsimulang mamigay ng rosas ang mga pulis sa mga pasahero ganap na alas-8 ng umaga.

Naispatan naman ang mga mascot nina PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa at QCPD PO1 Hinirang sa isinagawang aktibidad.

Read more...