Sinabi ni Superintendent Raynold Rosero, Cainta Police chief, na patuloy ang manhunt operation ng binuong special task group para maaresto si Robin “Ruben Tae” Paglinawan, 38, ng Cainta, at Germogenes Lachica, na itinurong nasa likod ng pagpatay kay Cainta deputy police chief Senior Insp. Jimmy Senosin.
Base sa ulat na nakarating kay Rosero, nagpunta si Senosin, 41, at kanyang grupo sa Lakas Bisig, Floodway sa Barangay San Andres, Cainta ganap na alas-7 ng gabi noong Linggo para iberipika ang impormasyon na namataan si Paglinawan na may sukbit na baril sa kanyang baywang.
Pinaputukan sila ng mga suspek at naghagis pa ng granada, ayon pa sa ulat.
Nabaril si Senosin sa ulo matapos makipagbarilan sa mga suspek.
Kilala ang mga suspek na magnanakaw at pusher sa Pasig at Cainta.
MOST READ
LATEST STORIES