MAGANDANG araw, Ateng Beth.
Matagal ko nang tinitiis itong love ko para sa isang babae. Dalawang dekada na ito. Kasi nga may asawa na siya. Hindi niya alam na ganoon ko siya kamahal, kasi baka makagulo pa ako sa kanila.
I am loving her from afar. Masaya na ako sa tuwing nagte-text siya, nagkakausap kami sa phone o kung may lakad ang barkada. College friends kasi kami. Noong college hindi ako nagkalakas ng loob na ligawan siya kasi nga iba ang prayoridad ko.
Ngayon tumatanda na ako naisip ko kung bakit hindi ko nasabi feelings ko sa kanya. Masama kayang ngayon ako magsabi o forever ko na lang itong itago? – Frank, Novaliches
Haaay, forever Frank… Madaling sabihing itago mo na lang ‘yan tutal dalawang dekada mo na ‘yang inimbak, pero paano naman ang di maibulalas na pag ibig di ba? Sabi nga, sayang naman.
Pero seriously, hindi madali kasi nga baka makasira pa ng relasyon.
Handa ka bang harapin ang consequence na iyan? Handa ka bang mabahiran ang maganda ninyo na sanang friendship nang pinakatangi-tangi mong girl?
Kasi chances are, kapag sinabi mo sa kanya ‘yung feelings mo, mako-conscious na si ate girl. Awkward nang mag-text pa siya sa iyo o magkausap kayo.
Kumbaga, malalagyan na ng malisya yung dapat naman sana ay magandang pagkakaibigan ninyo.
Pero tutal naman napapasaya ka na ng “loving from afar” medyo makuntento ka na. Sabi mo noon di mo siya niligawan kasi may iba kang priorities, so maging kuntento ka na sana sa (hopefully) nakamit mong priorities mo, di ba?
Hayaan mo na siyang mabuhay nang masaya at tahimik sa dapat naman ay priorites niya— ang family at marriage niya.
So suggestion ko, para mailabas mo lang ‘yang feelings mo, sumulat ka long hand ng lahat-lahat ng naramdaman o nararamdaman mo kay ate girl. Tapos, sunugin mo ‘yung isinulat mo. O di kaya gawin mong time capsule, buksan mong muli ‘yang letter mo after a decade or two at timbangin koong ganon pa rin ang nararamdaman mo.
Hopefully you will feel better na nairaos mo ang damdamin mo, hindi man niya malaman, at least you know you didn’t ruin her marriage.
Tsaka siguro hanap ka na rin ng available na girlalu, mahaba pa ang oras. Good luck!
May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay i-text sa 09989558253.