MABILIS na binawian ng karma ang isang opisyal ng pamahalaan na kilala sa pagiging ma-epal sa kanilang opisina.
Bago pa lamang siya sa posisyon ay wala na siyang bukambibig kundi ang pagiging malapit niya kay Pangulong Duterte.
Madalas din niyang ibida sa kanilang mga kasamahan sa isang government financial institution na malaki ang kanyang nagawa kaya nanalo noong nakalipas na halalan ang pangulo.
Bagaman nabigyan na siya ng magandang posisyon sa nasabing GFI, ang tunay pala niyang target ay ang chairmanship sa naturang tanggapan.
Dahan-dahan ang kanyang ginawang hakbang para masungkit ang target na posisyon pero mali ang kanyang diskarte.
Pinakamatindi sa mga ito ay nang paratangan niya na sangkot sa katiwalian ang kanyang mga kasamahan gayung napakababaw lang naman ng kanyang mga hawak na katibayan.
Tunay na mapaglaro ang tadhana dahil nakarating pala sa Malacanang ang kanyang plano na pagtatayo ng isang public relations machinery na layong ipagtanggol ang pangulo sa mga isyu.
Katuwang niya sa nasabing raket ang isang dating broadcast executive ng government radio station kung saan huhugot sila ng pera mula sa GFI na pinaglilingkuran ng bida sa ating kwento ngayong umaga.
Hindi pwedeng galawin ang pondo ng GFI dahil ito ay galing sa private fund ng mga miyembro nito kaya malinaw na gagawa lamang ng pera si Sir.
Kundi nasibak sa pwesto ang opisyal na ito ay hindi matitigil ang kanyang kayabangan, dagdag pa ng ating Cricket, sa isang malaking tanggapan ng pamahalaan na matatagpuan sa Quezon City.
Ang opisyal na kung hindi naalis sa pwesto ay malamang na magnanakaw pa ng malaking pondo sa gobyerno ay si Mr. L….as in Labamba.