KUNG mahirap mag-move on kapag iniwan ka ng iyong minamahal, mas mahirap magkaroon ng sakit sa puso.
Ang sakit sa puso ang isang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy.
May mga pagkain na makatutulong sa pagpapagaling sa iyong broken heart.
Bawang
Huwag mo ng problemahin ang amoy, ang maganda sa bawang mayaman ito sa sulphur na nakatutulong upang ma-decalcify ang katawan.
Ang mga pagkain na mayaman sa sulphur ay lite-ral na nagpapahinto sa pagsasara ng iyong puso para tuloy-tuloy ang pag-move-on ng dugo.
Maganda ito sa mga taong mayroong high blood pressure, low blood pressure, mataas ang cholesterol level, may coronary heart disease, inatake na sa puso, mayroong bara at matigas na arteries o daluyan ng dugo.
Sigurado na mas matagal ang tulong ng bawang sa iyong puso kaysa sa amoy nito sa iyong bibig.
Luya
Ang luya ay mayaman din sa sulphur na lumulusaw sa sobrang calcium sa katawan.
Ayon sa mga pag-aaral ang luya ay nagkapagpapababa ng cholesterol level at pinipigilan nito ang dugo na mabuo (blood clotting) na nakatutulong naman
sa puso.
Ang mataas na cholesterol na naiipon sa daluyan ng dugo ay maaaring maging sanhi ng pagbabara.
Tumutulong din ang luya sa mababang blood pressure na isa ring indikasyon ng sakit sa puso.
Sibuyas
Mayaman din sa sulphur ang sibuyas. Makatutulong ito upang maging maayos ang blood sugar at linisin ang mga nakabara sa daluyan ng dugo.
Ito ay mayaman din sa serotonin at dopamine na nagreresulta sa mas masayang pakiramdam.
Salmon
Ang Salmon at iba pang matatabang isda gaya ng sardinas at mackerel ay kabilang sa heart-healthy food.
Ang mga ito ay mayroong mataas na level ng omega-3 fatty acids na nagpapababa ng arrhythmia (irregular heart beat) at atherosclerosis (pagbabara ng arteries) at pagbaba ng triglycerides.
Inirerekomenda ng mga dalubhasa ang pagkain ng matatabang isda dalawang beses kada linggo.
Oatmeal
Ang oatmeal ay mayaman sa soluble fiber na nagpapababa sa lebel ng cholesterol.
Ayon sa mga doktor, para itong sponge na sumisipsip sa cholesterol na nasa digestive tract upang mailabas ito sa katawan at hindi sumama sa dugo.
Inirerekomenda rin ng mga doktor ang pagkain ng oatmeal na niluto sa halip na instant na mayroong mataas na sugar content.
Berries
Kung mahilig ka sa blueberry, strawberry at iba pang berries tinutulungan mo ang iyong puso.
Ayon sa pag-aaral noong 2013, ang mga babae na edad 25-42 na kumakain ng mahigit sa tatlong serving ng blueberry at strawberry kada linggo ay mas mababa ng 32 porsyento ang tyansa na magkaroon ng
heart attack.
Ito ay dahil umano sa anthocyanins, at flavonoids na nakabababa ng blood pressure. Ang anthocyanins ang nagbibigay sa prutas ng kulay pula at asul.
Tsokolate
Hindi ito basta tsokolate kundi dark chocolate.
Ayon sa pag-aaral ang dark chocolate ay nagkapagpapababa ng nonfatal heart attack at stroke.
Ang dark chocolate ay 60-70 porsyentong cocoa. Ito ay mayroong flavonoids na polyphenols na nagpapababa ng blood pressure, pamumuno ng dugo at pamamaga.
Prutas
Ang saging, avocado, kiwi, pomegranates at cherry ay ilan lamang sa mga prutas na mayaman sa potassium.
Mas maganda kung kakainin ng sarili ang prutas kaysa gawin itong pie.
Gulay
Ang mga berdeng gulay ay mayaman sa magnesium at chlorophyll. Kailangan ng utak at puso mo ng magnesium para makapagtrabaho.
Dahil nagdadala ang gulay ng sustansya sa daluyan ng dugo, nakapapapababa ito ng blood pressure, physical stress, muscle spasm at mental condition gaya ng depression at anxiety.
Potatoes
Walang dahilan para katakutan mo ang patatas. Basta hindi pinirito, ang patatas ay maganda sa puso.
Mayaman ito sa potassium na nakapagpapababa sa blood pressure. Mayaman din ito sa fiber na nagpapababa ng tyansa ng pagkakasakit sa puso.
Kamatis
Gaya ng patatas, ang kamatis ay mayaman sa potassium.
Mayroon din itong antioxidant na lycopene—ito ay isang carotenoid na nagpapalayas ng bad cholesterol sa mga daluyan ng dugo kaya bumababa ang tyansa na atakihin sa puso
ang isang tao.
Dahil mababa rin ito sa calorie at sugar maituturing itong healthy diet.
Flax seeds
Ang Flax seed at chia seeds ay mayaman sa omega 3 fatty acid kaya maganda ito sa puso.
Mataas din ang fiber content nito kaya naman talagang healthy sa heart.
Pwede itong ihalo sa ibang bang healthy food gaya ng blueberry, cranberries o oatmeal para ma-enjoy ang smoothie.