Healthy tips para sa healthy heart

BUWAN na ng February at i-pinagdiriwang natin ito bilang Love Month kaya naman kung all out ka sa pagbibigay ng Feb-ibig este pag-ibig ngayong buwan ng Pebrero dapat laging healthy ang puso mo.

Narito ang ilang health tips para manatiling malusog ang iyong puso.

Tigilan ang paninigarilyo

Isa sa pinakamabuting paraan para maprotektahan ang iyong kalusugan at iyong mga blood vessel ay ang pag-iwas sa paninigarilyo.

Sa katunayan ang paniniga-rilyo ay ang isa sa pangunahing risk factor ng heart disease na puwedeng makontrol. Kung ikaw ay naninigarilyo o gumagamit ng anumang produktong may tabako mas mabuti na tigilan mo na ito as in tigil na o awat na. Malaki kasi ang maitutulong nito hindi lang sa iyong puso kundi sa buong kalusugan ng iyong katawan.

Bantayan ang iyong tiyan

Hindi ito yung pagbubuntis kundi ang pagtaba ng iyong tiyan o puson dahil sa sobrang pagkain. Ayon sa pananaliksik ng Journal of the American College of Cardiology ang sobrang taba sa tiyan ay may kaugnayan sa pagtaas ng altapresyon at hindi malusog na blood lipid level. Kung marami kang taba sa iyong tiyan mas mabuting bawasan na ito o magpapayat na. Ang pagkain ng konting calories at pag-eehersisyo ay malaki ang maitutulong sa iyo.

Magkaroon ng sex life

Kailangan mo ang sex o pakikipagtalik lalo na kung ikaw ay may asawa na. Ang pakikipag-sex ay nakakabuti kasi sa iyong puso. Ang seksuwal na aktibidad ay hindi lang nakakadagdag ng kaligayahan sa iyong buhay ito rin ay nakakatulong para bumaba ang iyong blood pressure at makaiwas sa peligro ng heart di-sease. May pananaliksik na inilabas ang American Journal of Cardiology na nagpapakita na ang mababang seksuwal na aktibidad ay may kaugnayan sa mataas na antas ng cardiovascular disease.

Magkaroon ng libangan o hobby

Ang pagkakaroon ng liba-ngan ay nakakatulong hindi lang para gumalaw ang iyong mga kamay kundi para gumana rin ang iyong utak. Ang pagkakaroon ng mga aktibidad tulad ng pananahi at paggagantsilyo ay makakatulong para makabawas ng stress. Puwede mo ring subukan ang woodworking, pagluluto o pagbuo ng mga jigsaw puzzle para makapagpahinga sa mga tens-yonadong araw mo.

Kumain ng mga pagkain na may fiber

Ang pagsama ng mga low-fat chip o sariwang gulay sa sarsa ay nagbibigay ng masarap at sagana sa antioxidant na meryenda. Puwede mo ring isama ito sa isang lata ng black beans para mapalakas ang iyong heart-healthy fiber. Ayon sa Mayo Cli-nic, ang diet na hitik sa soluble fiber ay nakakatulong para mapababa ang lebel ng low-density lipoprotein o bad cholesterol. Ang iba pang pagkain na mataas sa soluble fiber ay ang oat, barley, apple, pear at avocado.

Makinig at sumayaw sa saliw ng musika

Ang pagsayaw sa saliw ng musika tulad ng rumba o two-step tune ay isang mahusay na workout para sa malusog na puso. Tulad ng iba pang uri ng aerobic exercise, nakakapagpataas ito ng iyong heart rate at nagpapatakbo ng iyong mga baga. Sumusunog din ito ng 200 calories o higit pa kada oras ayon sa ulat ng Mayo Clinic.

Kumain ng isda

Ang mga pagkain na mayaman sa omega-3 fatty acid ay nakakatulong para labanan ang heart disease. Ang mga isda tulad ng salmon, tuna, sardinas at tamban ay sagana sa omega-3 fatty acid. Iminumungkahi ng AHA na kumain ng isda ng dalawang beses kada linggo.

Matutong tumawa

May kasabihan na ‘laughter is the best medicine’ at totoo ito kaya dapat ay matuto kang tumawa ng malakas hindi lang kapag nakakapagbasa ng mga email o Facebook post. Ugaliing tumawa sa iyong pang-araw araw na pamumuhay. Mahilig ka mang manood ng nakatatawang palabas o pelikula o kaya ay magpatawa kasama ang mga kaibigan, ang pagtawa ay mabuti sa i-yong puso. Ayon sa AHA, may pananaliksik na nagmungkahi na ang pagtawa ay nakakapagpababa ng stress hormones, nagpapabawas ng pamamagawa ng mga artery at nagpapataas ng lebel ng high-density lipoprotein (HLD) o good cholesterol.

Mag-unat unat ng katawan

Ang pagyo-yoga ay nakakatulong para mapabuti ang iyong balanse, kalambutan at lakas. Nakakatulong din ito para makapagpahinga at mabawasan ang stress. At kung kulang pa ito, ang yoga ay mabuti rin para sa kalusugan ng iyong puso. Ayon sa pananaliksik na inilathala ng Journal of Evidence-Based Complementary & Alternative Medicine, ang yoga ay nagpapakita ng potensyal para mabawasn ang peligro ng cardiovascular disease.

Maghinay-hinay sa pag-inom ng alkohol

Ang katamtamang pag-inom ng alkohol ay nakakatulong para tumaas ang lebel ng iyong HDL o good cholesterol. Nakakatulong din ito para maiwasan ang pamumuo ng dugo at pagkasira ng artery. Ayon sa Mayo Clinic, ang red wine ay nagbibigay din ng benepisyo sa iyong puso. Hindi naman ito nangangahulugan na dapat kang tumagay kada kain. Ang katamtamang pag-inom ng alkohol ay ang susi para sa malusog na puso.

Bawasan ang asin
Ayon sa ulat ng mga ma-nanaliksik na lumabas sa New England Journal of Medicine, ang pagkunsumo ng asin na kalaha-ting kutsarita kada araw ay nakakabawas sa pagkakaroon ng coronary heart disease.

Iwasan din ang pagkain ng mga processed at restaurant-prepared food na sobrang alat. Kaya naman mag-isip-isip ka bago kumain sa iyong paboritong fast-food chain. Gumamit din ng salt substitute kung may altapresyon o heart failure.

Gumalaw-galaw

Anuman ang iyong timbang, hindi nakakabuti na ikaw ay umupo ng matagal dahil nakakapagpaigsi ito ng iyong buhay at ito ay naging babala ng mga mananaliksik sa Archives of Internal Medicine at American Heart Association. Ang tinatawag na ‘couch potato’ at ‘desk jockey’ na lifestyle ay may hindi malusog na epekto sa iyong blood fat at blood sugar. Kung ikaw naman ay nagtatrabaho na may desk, tandaan mo na kailangan ang regular na pahinga para makagalaw sa iyong paligid. Maglakad-lakad tuwing lunch break at kagiliwan ang re-gular na ehersisyo tuwing wala kang ginagawa o hindi ka abala.

Read more...