Maymay ikinumpara kina Princess Diana at Queen Elizabeth


MAY ilalabas na hardbound book ang MEGA magazine sa Feb. 15 na nagtatampok kina Edward Barber at Maymay Entrata. Medyo may kamahalan ito as it is priced at P850 pero maraming fans ng dalawa ang excited na sa paglabas ng libro ng former PBB housemates.

Bongga kasi ang photo shoot ng dalawa, sa Germany pa ginawa at top calibre photographer pa ang kumuha ng shot. Fashion at its best ang kanilang outfits, nagmukha silang prinsipe at prinsesa sa mga suot nila. Attention-getter si Maymay sa kanyang long blue gown na talaga namang talyada ang pagkakatahi. In all, the book will showcase Maymay and Edward’s SARTORIAL taste.

“WOW!!! Bongga! Wala ako masabi, slayed! Prinsesa, real, genuine, beautiful, amazing, shine, Maymay Lit!!!”

“Ganda eh @maymayentrata07 hindi nakakasawang tingnan ang mga photo nila, excites for the hardbound and Mega/MegaMan.”

“Shes like Princess Diana and Queen Elizabeth, mga awrahan mo Maymay nakaka bushak OMG!”

“Ganda nya talaga kahit anong damit!! ! Shock ako palagi sa mga pambungad ko na mabubuksan. Wala na talaga akong masabi kundi…waaaaaaahhhhh!!!”

Read more...