Sa wakas, Angel umamin na: Yes, kami na ni Neil!


SO, finally, umamin na rin si Angel Locsin sa tunay na relasyon nila ni Neil Arce. Kung noon ay ayaw pang umamin ng dalawa, ngayon ay may label na raw ang kanilang love sa isa’t isa.

“Yes, we’re together. Nahihirapanna kasi ako sa mga interviews, lagyan na natin ng something,” ang sagot ni Angel sa isang panayam nang muling tanungin tungkol kay Neil.

Sa tanong kung sa kasalan na ba mauuwi ang kanilang relasyon, ito ang naging sagot ng dalaga, “Right now we are taking our time. Siguro sobrang take our time, ganun, pero sobrang ini-enjoy pa lang namin. I’m just happy na nandiyan siya sa tabi ko.”

Wala pa raw idea si Angel kung paano nila ise-celebrate ni Neil ang Valentine’s day, pero baka mag-dinner lang daw sila.

Read more...