Ahwel Paz may MMK na, may 2 pelikula pa


TRUE ang kasabihang “when it rains, it pours” para sa kilalang radio celebrity na si Papa Ahwel Paz.

Sabay-sabay na bumuhos ang blessings pagpasok pa lang ng 2018 para sa co-anchor ni Kuya Jobert Sucaldito sa radio show nila na “Mismo” sa DZMM.

Unahin na natin ang pagtampok sa buhay niya sa Asia’s longest drama anthology na Maalaala Mo Kaya na ipalalabas sa ABS-CBN ngayong Sabado.

Ipinanganak bilang si Ruel Paz sa Sampaloc, Manila at bunso sa limang anak ni Aling Leonida na nagtitinda ng mga delicacy around Escolta and Quiapo. Habang ang kanyang ama naman ay tindero sa Quinta Market.

At the age of 10, tinulungan niya ang kanyang ina na i-manage nag kanilang carinderia and to value the hardships of his parents, nag-excel si Papa Ahwel sa declamation, oratorical and storytelling contests, getting inspiration from his family that endures going to bed with empty stomachs.

Hanggang sa nakapag-aral siya sa Miriam College under a state scholarship program. Muntik pa nga siyang ‘di nakapasok sa first day ng klase dahil sa kakulangan ng pera. And the rest is history, ika nga nila.

Ayon sa ilang staff ng MMK, favorite episode raw ng host ng top-rating drama anthology na si Charo Santos ang kwento ng buhay ni Papa Ahwel sa kanyang programa na isinulat ni Akeem del Rosario at sa direksyon ni Topel Lee.

Ang mga artistang gaganap sa lifestory ni Papa Ahwel sa MMK ay sina Francis Magundayao, Louise Abuel, Raikko Matteo, Ana Capri, Richard Reynoso, Erin Ocampo, Belle Mariano, Sunshine Garcia, Fourth at Fifth Solomon.

Pangalawang blessing ni Papa Ahwel ay ang bagong movie na sinu-shoot niya ngayon with Kim Chiu and Ryan Bang for Star Cinema. Pangatlo, bahagi rin siya sa malapit nang ipalabas na movie nina Erich Gonzales at Lovi Poe.

Ang pang-apat ay ang upcoming shows niya sa Athens, Greece, Taiwan, London, Milan, Dubai at sa iba pang mga bansa. And last but not the least, nominated siya sa PMPC Star Awards for Movies for Best New Movie Actor for “Bhoy Intisk.”

Read more...