Kris kailangan munang iwan ang 2 anak


NAGMISTULANG flower at gift shop ang bahay ni Kris Aquino sa dami ng bulaklak at regalo na ipinadala sa kanya para sa kanyang kaarawan.

Magdiriwang si Kris ng kanyang birthday sa Peb. 14 kasama sina Joshua at Bimby sa ibang bansa sa loob ng walong araw.

Isa-isa namang pinasalamatan ng Queen of Online World at Social Media ang lahat ng nakaalala sa kanya.

“I want to say THANK YOU to my #KCAP Family. They had to adjust & shoot 2 print endorsements here at home. I was so pleasantly surprised w/ the early birthday surprise.

“I celebrate all the blessings God is showering my life with- but more than that I thank my Creator for the LOVE so present in my life.”

Anyway, excited sina Joshua at Bimby sa nalalapit na out of the country vacation nila dahil pagbalik ng Pilipinas ay diretso na uli sa trabaho ang ina. Ilang araw din kasi nilang hindi makakapiling si Kris dahil magsisimula na ang shooting ng pelikula nila ni direk Adolf Alix, Jr na ipalalabas sa iflix.

Read more...