Carlo parang gripo ng luha ang mata

CARLO AQUINO AT BELA PADILLA

LAKAS makaagaw ng atensyon ng Kapuso star na si Maine Mendoza sa celebrity screening ng “Meet Me In St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla mula sa Spring Films at Viva Films.

Bulung-bulungan agad kung bakit nandu’n si Maine. May nagsabi na baka niyaya siya ni Angelica Panganiban dahil balitang friends na ang dalawa. Si Angelica naman ay nandoon para suportahan ang ex-boyfriend niyang si Carlo at kaibigang si Bela. Kung bakit, kailangan panoorin ninyo ang “Meet Me In St. Gallen”.

Later we found out na ang director pala ng “Meet Me In St. Gallen” na si Irene Villamor ang rason nang pagpunta ni Maine sa special celebrity screening ng movie. Si Direk Irene kasi ang direktor ni Maine sa GMA primetime series na Destined To Be Yours with Alden Richards.

Hindi nahiyang nagpaka-fangirl si Maine sa pagpapa-selfie with Carlo after the screening. Si Direk Irene ang nagkaray kay Carlo na puntahan si Maine sa upper portion ng Cinema 7 ng Trinoma para magpapiktyur ang dalaga.

q q q

Sakto ang chemistry nina Carlo Aquino at Bela Padilla sa “Meet Me In St. Gallen.” Ang laki ng iginuwapo ni Carlo ngayon. May mga lalaki talaga na habang nagma-mature ay lalong gumugwapo.

Bukod diyan lalo pa siyang humusay sa pag-arte. Siya lang yata ang napanood naming aktor na parang gripo kung tumulo ang luha at gwapo pa rin dahil hindi distorted ang mukha.

Kaya madadala ka talaga sa pag-iyak ni Carlo lalo na sa ending. Pero syempre, hindi na namin ikukwento ang highlights ng movie para walang spoiler.

Say nga ni Bum Tenorio ng Cinema Evaluation Board, “Carlo, despite his hiatus, has never lost his touch, his verve, his intensity as an actor. He has the cunning ability to make you sympathize with him or, in an instant, withdraw from him.”

Ang hindi lang kami agree sa sinabi niya ay ang pagkawala ni Carlo sa limelight dahil hindi naman siya tumigil sa paggawa ng pelikula at serye.

Anyway, according to one of the owners of Spring Films na si Erickson Raymundo, nakakuha ng UNANIMOUS Grade of “A” ang “Meet Me In St. Gallen mula sa CEB.

Read more...