Lovi naging emosyonal sa harap ng mga bata sa Child Hope


MAAGANG sinelebreyt ni Lovi Poe ang kanyang birthday kasama ang mga bata sa Child Hope Asia Philipines. Naging tradisyon na ng Primera Aktresa na makasama ang mga bata na more than five years na niyang tinutulungan.

“MY heart is bursting with happiness that I got to spend this day with the kids of Child Hope Asia Philippines. You are my inspiration and I really look forward to spend time with you every year. Thank you for making my birthday extra special and memorable,” pahayag ni Lovi.

Nagpakain, nagpalaro at namigay ng regalo si Lovi sa lahat ng dumalo. Kahit na busy ang schedule niya sa GMA series na The One That Got Away, naglaan talaga siya ng oras upang mapasaya ang mga bata.

Read more...