Mananaya sa Batangas nanalo ng P45.3M sa Ultra Lotto

    Isang mananaya sa Batangas ang nanalo ng P45.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola noong Miyerkules ang gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Batangas City Grand Terminal sa bayan ng Alangilan.
    Ang naturang lotto outlet ay pinatatakbo ni Louella Trasadas.
    Ang nanalo ay tumaya ng lucky pick o ang lotto machine ang namili ng numero para sa kanya.
    Ang winning number combination sa naturang bola ay 38-14-44-07-26-34.
    Nanalo naman ng tig-P32,960 ang 32 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
    Tig-P870 naman ang 960 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 17,066 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Read more...