Divorce bill umusad na

  Isang technical working group ang binuo upang plantsahin ang iba’t ibang panukala kaugnay ng divorce.
    Inatasan ni House committee on population and family relations chairman Sol Aragones si Albay Rep. Edcel Lagman upang pangunahan ang TWG.
    Si Lagman ang may-akda ng Absolute Divorce bill (House bill 116) kung saan ang mga grounds for annulment ay gagamitin na ring grounds for divorce.
    Isasama dito ang House bill 1062 na akda ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers kung saan maaari ng legal na maghiwalay ang mag-asawa na limang taon n higit ng hindi nagsasama sa iisang bubong.
    “Why are we making it hard for aggrieved partners to annul their marriages? With the simple ground of five-year separation as a valid reason, seeking an annulment of marriage from court would be faster, simpler and less expensive,” ani Barbers.
    May panukala rin sa divorce sina Gabriela Representatives Emmi de Jesus at Arlene Brosas para mahiwalayan ng isang babae ang kanyang nananakit na mister.
    May panukala din si House Speaker Pantaleon Alvarez para maisama ang irreconcilable differences sa mga grounds ng paghihiwalay ng mag-asawa.

Read more...