Pinay nakuha sa freezer

Dapat na umanong ipatupad ang total ban sa pagpapadala ng overseas Filipino workers Kuwait matapos na makuha ang isang pinay sa loob ng freezer.
    Batay sa mga nakuhang impormasyon ni ACT-OFW Rep. John Bertiz ang bangkay ay may isang taon na umanong nasa freezer ng isang apartment sa Al-Shaab.
    “Yes it’s confirmed the body is with the police for forensic and autopsy, we are condemning this act to its highest degree! Let’s support total ban of deployment to Kuwait!” ani Bertiz.
    Ganito rin ang pananaw ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
    “Let us now have the political will to ban the deployment of our workers in Kuwait. A life and safety of a Filipino Is more valuable than millions of dinar remitted by our workers.”
    Sinabi ni Batocabe na hindi na dapat pagbigyan ang lobby ng Kuawit na patuloy na magpadala ng pinoy doon kahit na hindi nila nabibigyan ng proteksyon ang mga ito.
      “Let Kuwait feel the worth of a Filipino life to its economy. I appeal to our labor officials to shun any entreaties and lobbying by Kuwaitis to continue sending Filipino labor. Enough is enough.”
Nadiskubre ang bangkay ng pinay matapos na pumunta roon ang may-ari ng apartment at otoridad upang paalisin ang umuupa.

Read more...