2 bata patay sa sunog

Nasawi ang dalawang batang magkapatid nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng umaga.
Wala nang buhay at kapwa pinaniniwalaang na-suffocate sa usok ang dalawa, na kinilala lang sa mga tawag na “Anna Mae,” 6, at “Armando,” 4, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.
Nagsimula ang sunog sa bahay na nasa Figueroa Lane, Cuneta Compound, Brgy. San Nicolas II, dakong ala-1.
Natutulog sa kanilang silid ang mga bata nang maganap ang sunog, ayon sa ulat.
Naapula ng mga bumbero ang apoy alas-2:33.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nagmula ang apoy sa napabayaang kandilang may sindi.

Read more...