Komento ni Billy sa taga-Mindanao ‘foul’ daw, pati mga Bisaya damay


“ALAM namin e, taga-Mindanao kayo, so talagang mahihirapan ka sa diction.”

That was Billy Crawford’s comment sa isang contestant na hindi ikinatuwa ng isang singer, si Oreo Vamenta.

“I’m a fan of your music Billy Crawford but this is just so low of you to say this. Maging sensitive po sa sinasabi natin, lalo na’t buong Pinas nanonood sa show nyo. Kung tutuusin maraming Bisaya na magagaling at tunog international.”

“What if tayo mga Bisaya ang mang-discriminate ng mga Tagalog? Lalong lalo na dun sa mga arogante. Just a thought, Maiba lang. Tired of discrimination. E iisang bansa lang naman tyo. Waley!”

‘Yan ang aria ni Oreo. Marami ang nag-react sa issue.

“Bakit lagi nilang minamaliit ang mga taga Mindanao? Ganun ang Pinoy eh may diction talaga kahit saang lupalop pa ng Pinas yan.”

“Problema mo sa mga taga Mindanao Billy?”

“Pwede naman nya sabihin yung problem is diction pero yung i-label pa nya na taga Mindanao? like WTF! Hahaha!”

We felt na hindi naman minemenos ni Billy ang female contestant. Constructive criticism naman ang ginawa niya. He didn’t generalize na porke taga-Mindanao ay may problema na sa diction.

Read more...