HELLO po Ateng Beth.
Problema ko po yung tatay at nanay ko. Nitong mga nakalipas na buwan ay walang tigil sila sa away.
Natatakot ako kasi baka magkasakitan na sila. Every time na nagkikita sila talagang, away ang nangyayari. Hindi ko malaman bakit sila nagkakaganon. Di naman po sila ganyan dati.
Sabi ng kuya ko, nahuli ni nanay si tatay na nambabae. Ano kayang pwede kong gawin? Sakit sila sa ulo araw-araw. Ako pala si Marybeth, 17 years old, taga Laguna.
Haist, Marybeth!
Torture yang pinagdadaanan mo, beh. Araw araw na bangayan ng nanay at tatay at wala kang magawa kundi magsulat na lang ke ateng…nakikiramay ako sa pinagdadaanan mo.
Sabi ni kuya nahuli ni nanay si tatay. So iyon pala ang dahilan. Marahil ’di mo pa naiintindihan kung gaano kasakit yun sa isang asawang babae at hindi masyadong ma proseso ni mudrakels ang galit at lahat ng frustrations nya, kaya every time na makikita si pudra, gusto niyang katayin.
Pwedeng mag-usap-usap kayong magkakapatid para pagaanin ang problema. Siyempre ang mga magulang lang ninyo ang makakaresolba niyan.
Sa pakikipag-usap sa kanila, asahan na hindi aamin si father kung walang matibay na ebidensya.
At hindi rinbibitaw si mother sa hinala niya kung wala siyang ebidensya.
So pag usapan nyo bilang isang buong pamilya, ano ba ang da best para di magkagulo araw araw.
Para sa iyo personally, pwede mong damayan si mother. Ke may ebidensya siya o wala, iparamdam sa kanya na andyan ka.
Maaaring di mo pa naiintindihan ang lahat ng dynamics ng kanilang pagsasama, pero pwede kang maging kaibigan at karamay ni mother.
Hindi ko sinasabing kampihan mo siya dahil baka nga naman walang ebidensya, pero damayan mo sya hanggang maintindihan niya ang mga pinagdadaanan ninyo.
Labas kayo ni mother, magsine, magkape, mag short road trip, magpa salon, ganern! Kesa pareho kayong maburyong.
Gets mo?! Hope everything runs ok with you.
May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963