Gladys Reyes: Hindi biro ang magka-cancer!


UMIIYAK habang ikinukuwento ng magaling na kontrabidang aktres na si Gladys Reyes kung paano niya nalampasan ang isang matinding pagsubok noong ipinagbubuntis niya ang isa sa mga anak nila ni Christopher Roxas.

Sa guesting niya sa Magandang Buhay, hindi niya napigilan ang mapaluha nang ibahagi sa viewers kung paano nasolusyunan ang financial problem nila sa pagpapagamot sa kanyang Mommy Zeny na dating cancer victim na magaling na ngayon.

“Alam natin hindi biro ang magka-cancer at chemotherapy, radiation and all.

“Siyempre nahihiya ako sa asawa ko, siyempre pamilya ko ito. Mabait ang asawa ko, sobrang mahal niya ang pamilya ko, pero ikaw di ba hanggang maari sosolohin mo.

“That time isa lang ang ginawa ko ipinanalangin ko. Pregnant ako noon, wala akong serye because I was pregnant,” chika ni Gladys.

“Pero alam mo, naiiyak ako tuwing naalala ko kasi noong pinanalangin ko ‘yon, doon talaga ‘yung sagot ng Diyos. Biruin mo, walang magbibigay ng work kasi last trimester buntis ako, pero I got a phone call.

Sabi ni Nay Lolit (Solis), ‘Anak, may commercial ka na gagawin.’

“Sabi ko, ‘Sure ka Nay kasi pregnant ako?’ ‘Ikaw talaga, ikaw ang gusto.’ So ang galing ni Lord, parang sinagot na ‘yung buong pagpapagamot ko sa nanay ko parang sinagot na through other ways,” umiiyak pang kuwento ni Gladys.

“True enough basta ang faith mo ay nandoon at prayers, nakaraos ang nanay ko at ngayon survivor ang nanay ko for eight years,” sey pa ng aktres.

Read more...