AIZA kay CHARICE: Mahirap talaga ‘yan, pero dapat magpakatatag ka!

BUMILIB din si Aiza Seguerra sa tapang at pagpapakatotoo ni Charice. Hindi maiaalis na maikumpara ang dalawang singer dahil bukod sa halos pareho sila ng tinahak na direksiyon sa music industry, pareho rin silang naging proud lesbian.

Sabi ni Aiza, natutuwa siya dahil sa wakas ay malaya na si Charice, at magagawa na niya ang lahat ng gusto niyang gawin ngayong inamin na niyang isa siyang tibo. “Ako, I’m happy for her. Alam naman natin kung gaano kahirap how to hide our true selves, di ba? I’m just happy, I’m happy for her, I support her.

“Definitely, na puwedeng maraming gustong sabihin ang tao, pero ganoon talaga. Basta maging matatag lang siya and face everything, kasi small world, e,” chika ni Aiza sa isang interview.

Inamin din ni Aiza na tulad ni Charice, hindi rin naging madali sa kanya ang mag-come out, lalo na at nagsimula siya bilang child star, talagang nasubaybayan ng publiko ang kanyang paglaki. At malaki ang expectations sa kanya ng mga tao.

“Hindi rin, hindi rin (pag-amin na tomboy). Tapos na lang talaga. You know, it was already too long ago and people can’t remember na kung ano rin ang pinagdaanan ko.

“Siguro ang difference lang ay meron tayo ngayong social media. You know what I mean? So, before kasi, that time, puro press lang, e. Pero hindi madali, hindi madali,” pahayag ng singer-actress.

Napapanood pa rin si Aiza sa number one teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart bilang si Kute at very soon ay mapapanood uli siya sa isang musical.

“Yung Be Careful…overwhelmed ako and at the same time ay grateful and thankful sa mga nangyayari. Siguro happy na rin, kasi the whole cast are all friends, e. Nakikita naman na yung efforts and hard work namin ay nagpe-pay off.

“Yung appreciation ng tao, like the show inspires them, and they are very vocal about it. Grabe, nakakataba ng puso!” chika pa ng magaling na singer.

Read more...