KATHRYN nakiusap, wag na silang pag-awayin ni JULIA

Nakiusap si Kathryn Bernardo na sana’y huwag na silang pagkumparahin o intrigahin ng isa pang Kapamilya princess na si Julia Barretto. Sila kasi ang pinag-aaway ngayon ng mga fans dahil mukhang sa kanila nakatutok ngayon ang atensiyon ng ABS-CBN.

Ayon kay Kathryn, may kanya-kanya naman daw silang identity bilang aktres. Aniya, okay lang daw ang may competition, basta healthy at walang nasasaktan o naaagrabyado. Para sa kanya, hangga’t maaari ay ayaw niyang maikumpara sa iba, “And I’m sure naman kahit sinong tao ayaw ng naku-compare,” sey nito.

“May kanya-kanya naman kaming personality, may iba naman akong goal. And I’m sure si Julia, ayaw din naman niya nang naiko-compare. Basta ako, ginagawa ko lang naman ang mga dapat kong gawin. Alam ko na may mga napapasaya.”

Hindi pa sila nabibigyan ng chance ni Julia na maging close dahil bihira naman daw silang magkita at magkausap. Pero sabi ng dalaga, tiyak daw na magiging close rin sila kapag nabigyan sila ng pagkakataon na magkasama nang matagal.

Pero gandang-ganda rin siya sa anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Kamukhang-kamukha raw ito nina Gretchen at Claudine Barretto.

Speaking of Kathryn, tiyak na nami-miss na ng mga Kathniel fans ang loveteam nila ni  Daniel Padilla sa TV kaya abangan n’yo na lang ang bago nilang seryeng Got To Believe In Magic sa ABS-CBN. Matagal-tagal na rin kasing natapos ang huli nilang seryeng Princess And I.

Read more...