Male singer nganga, napahiya sa loob ng music store

NAGPUNTA ang isang male performer sa isang sikat na mall. Meron siyang kasamang PA na basta nakasunod lang sa kanya. Ang bilin ng male performer, kapag pinagkakaguluhan na siya ay alam na nito ang gagawin, ilalayo siya sa mga nagkakagulong fans.

Ganu’n pala dati ang kanilang sistema kapag nagpupunta sila sa matataong lugar, hindi sila sabay na naglalakad, palaging nakabuntot lang sa kanya ang PA.

Kuwento ng aming source, “Kaso, hindi na siya masyadong lodi ngayon ng mga kababayan natin, marami na kasing nagsulputang mga bagong singers, ang dami-dami na, saka hindi na siya masyadong mainit.

“Isa pa, kalat na kalat na ang kuwento ng kasupladuhan niya, maraming beses na kasi siyang nang-iisnab ng mga fans, kundi man siya tumatakbo, e, ang PA niya ang humaharang sa mga naglalapitan sa kanya.

“Ganu’n naman talaga siya, napakailap niya sa mga humahanga pa naman sa kanya, kumalat nang kumalat ang kuwentong ‘yun, kaya kapag nakikita siya ng mga utaw, e, hindi na siya masyadong pinapansin.

“Para ano nga naman, para mapahiya lang na naman sila dahil ang feeling ng male singer na ‘yun, e, super-sikat at galing niya?” simulang kuwento ng aming impormante.

At kailan nga lang ay nagpunta sa isang music store ang male performer, kuntodo disguise pa siya, naka-hoody na ay naka-jacket pa na saradung-sarado na parang hindi na siya makahinga.

“At gabing-gabi na, e, naka-shades pa siya! Di ba naman napaka-OA na ng pagtatago niya ng identity niya? Pero hindi na siya nagwagi, ang tagal-tagal na niya sa music store, pero walang pumapansin sa kanya.

“Tinitingnan lang siya ng mga utaw, pero walang lumalapit sa kanya, parang wala lang! Nagulat nga ang PA niya, kasi, wala nang lumalapit sa bossing niya na tulad nang dati!

“Kasi nga, e, marami nang napahiya sa paglapit sa kanya, nasa social media ang mga kuwento ng pagiging suplado at isnabero niya!

“Dapat kasi siyang matuto sa kasabihan na ang personality, habang sumisikat, e, dapat maging parang kawayan na habang tumataas, e, yumuyuko ang mga sanga!

“Tama, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Ano sa palagay n’yo, Jon at Ching Bautista Silverio, may katwiran ba ang katwiran?” pagtatapos ng aming source.

Read more...