Jodi hinangaan sa ‘old school’ na pagre-review sa college

JODI STA. MARIA

JODI Sta. Maria showed to her Twitter followers how she reviews during her exams by posting a photo of her reviewer with this caption: “Exam week next week. Uso pa ba ang reviewer? Yes. Ako na ang old school. Heehee. Good night everyone.”

Old school pala ang star ng Sana Dalawa Ang Puso kapag siya ay nagre-review, talagang sulat kamay kasi ang kanyang reviewer. With that post ay maraming na-inspire si Jodi.

“Grabe ka, Ate. Isa kang inspirasyon sa mga taong maraming pangarap sa buhay. Dahil sa ginagawa mo, nakikita nila na pwede mong ma-achieve lahat ng gusto mong i-achieve kung magsisipag ka lang. Woo hoo! I’d tell you good luck, but I don’t think you’ll need it. Kayang-kaya mo yan!”

“Mas effective sa akin ang handwritten reviewers. Mas personal. Cheers to old-school, tita ways of studying! God bless sa exam!”

“Go misss Jodi!!! You can do it! Goodluck for your exams. mabuhay ang mga sikolohista.”

“Psych Major here too. Parehas tayo ganyan din ako magreview back in college! Same yellow pad paper folded in half with lots of notes. Godbless on your exams.”

“I love old school!!! Papasa ka nyan Ms. Jodi! Always watching SDAP sa iwanttv. Ikaw na ang petmalu kong lodi!!!”

Samantala, napatunayan sa Sana Dalawa Ang Puso na hindi si Leo Tabayoyong (Robin Padilla) ang nagnakaw ng nawawalang flash drive na super important kay Lisa (Jodi) kaya naman humingi siya ng paumanhin kay Leo sabay sabing name your price.

Medyo nabigla lang si Lisa sa kondisyon ni Leo. Gusto kasi nitong magtrabaho siya sa kanila.

Read more...