BAKIT nagdeklara ng martial law ang Pangulong Gloria sa Maguindanao gayong di naman ito kailangan? Ayon sa maraming abogado na aking nakapanayam, pabor daw sa mga Ampatuan ang martial law. Ang mga Ampatuan ang pinaghihinalaang suspect sa kalunos-lunos na pagpatay ng 57 katao, kasama na ang 30 journalists. Idineklara ni GMA ang martial law sa Maguindanao dahil, ayon sa kanyang mga alipores, paghihimagsik o rebellion ng mga Ampatuan ang dahilan. Paghihimagsik? Wala sa isip ng mga gumawa ng kahindik-hindik na krimen nang pinagpapatay nila ng walang awa ang mga Mangudadatu, na kanilang kaaway na mortal, at mga mamamahayag. Ang kanilang motibo ay upang mailigpit ang mga Mangudadatu at mga journalists na magiging testigo kung di sila patayin din. Ang rebellion, na isang political crime, ang mga krimeng murder, illegal possession of firearms at kahit panggagahasa. Ang mga krimeng murder, illegal possession of firearm at rape, na ginawa ng mga salarin, ay ina-absorbed ng rebellion. Mapapatunayan ng isang magaling na abogado sa korte na ang paggawa ng murder, illegal possession of firearm at panggagahasa ay kasama sa rebellion. Dahil isang political crime ang rebellion, isang offense na ginawa ng mga coup plotters noong panahon ni Pangulong Cory, puwedeng mabigyan ng amnesty ang mga nag-participate. Gaya rin ng ginawa ng gobyerno noong panahon ni Pangulong Cory at Pangulong Fidel sa mga coup plotters. Kapag nagkataon, mabibigyan ng presidential amnesty ang mga Ampatuan at yung mga gumawa ng kalunos-lunos na krimen.
* * *
Bakit, sa palagay n’yo, gustong mapalusot ni GMA ang mga Ampatuan sa mass murder sa pamamagitan ng presidential amnesty? Dahil malaki ang utang na loob ni GMA sa mga Ampatuan. Ang mga Ampatuan ang nagpanalo sa kanya sa Maguindanao noong 2004—na-zero si Fernando Poe Jr. na kanyang kalaban—at nagpanalo ng 12-0 pabor sa mga administration candidates noong 2007. Tandaan natin ang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo: Hindi tatalikuran ng Pangulo ang mga Ampatuan kahit na nasangkot sila sa mass murder. Kapag hindi naman gumawa si GMA ng mga hakbang na maipalusot ang mga Ampatuan sa gusot, baka kumanta ang mga ito sa mga katarantaduhan ni GMA sa Maguindanao noong mga nakaraang eleksyon.
* * *
Mga carnapper, makinig kayo: Hindi lahat ng mga biktima ninyo ay manginginig sa takot kapag inagaw n’yo ang kanilang kotse. Nagkamali ang isang Redentor Fajardo, 39, ng Baliuag, Bulacan, nang agawin niya kay Jeffrey Atanacio, 38, ang minamaneho nitong Ford Explorer. Akala siguro ni Fajardo at ng kanyang mga kasamahan na hindi armado ang kanilang biktima na may kasamang babae. Yung babae ang nag-abot kay Atanacio ng clutch bag na may lamang 9 mm pistol habang pinaaalis sila sa sasakyan na kinarnap. Dead on the spot si Fajardo. Buti nga sa kanya! Sana’y matuto na ang mga carnappers.
* * *
Si Grace Tan, anak ng isang negosyante, ang gustong saksakin ng isang tao na sapilitang inalis ang side mirror ng kanyang kotse sa Quezon City ilang taon na ang nakararaan. Ang akala ng magnanakaw ay hindi aalma si Grace dahil maliit ito, maamo ang kanyang mukha at nasa likod ito ng manibela. Malaking pagkakamali ang ginawa ng magnanakaw. Pinutukan siya ni Grace at tinamaan ito sa mukha. Si Grace ay champion lady shooter.
Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 120909