They did it again.
At dahil diyan, sobrang proud talaga ang mga fans sa kanilang idol na si Maymay Entrata. Ito nga ay dahil sa dami ng achievement ng dalaga ngayon love month.
Umuulan ng mga puso ng mga fans as they have dominated again the Twitter world dahil sa pina-trend nilang #MAYMAYLovesMega na hashtag on Twitter.
Umabot pa sa second spot ito sa Philippine trends at patuloy pa rin ang tweets ng kanyang mga fans.
Nag-umpisa lang naman ito sa latest magazine cover niya along with Edward Barber, ang other half ng pamosong love team.
Mala-Snow White ang dating ng kanilang photo shoot na ginanap pa sa Germany kung saan kinlig ang mga fans ng MayWard.
Anyway, balita namin ay sold out na raw ang solo concert ni Maymay, entitled “The Dream” na gaganapin sa KIA Theater on Feb.2 3 .