MAGANDANG araw po. Maaari po ba ako magtanong? Ako po ay isang empleyado ng motor industry at nakadestino po sa isang branch namin. Two years ang four months na po ako sa nasabing branch.
Doon po ako nag-start mula nang ako po ay natanggap sa amin company. Ang problema ay bigla po nila akong inilipat ng branch. Hindi naman po malinaw ang dahilan.
Mas malayo po ito bahay ko. Ano po ba ang maaari kong gawin?
May karapatan po ba akong tumanggi sa gusto nila mangyari? Maraming salamat po.
REPLY: Good morning! Management prerogative po ang paglilipat ng empleyado. Dapat po tayong sumunod dahil maaari po kayong mapatawan ng insubordination.
Maaari po kayong makipag-negotiate with the management to give you additional allowance since mas malayo ‘yung pinaglipatan sa iyo. Yung pagbibigay po ng allowance is not mandated by law but just for humane consideration. Kung di po makatao ‘yung paglipat sa inyo maaari po kayong mag-file ng Request for Assistance (RFA) for conciliation-mediation sa nakakasakop na DOLE field office, o di kaya’y mag-request for inspection.
DOLE Action Center
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.