MAGANDANG araw po sa inyo, Ateng Beth. Share ko lang po sana problem ko para makahingi na rin ng payo.
Biyuda po ako, 55 years old. Yung mga anak ko ay pawang may mga pamilya na. Mag-isa na talaga ako sa buhay pero may dumating pong lalaki sa buhay ko ngayon.
Kaso lang po ay mas bata, 37 years old. Tutol mga anak ko kasi sabi nila peperahan lang daw ako nito.
May trabaho naman siya, security guard. At wala namang asawa. Masaya ako pag kasama ko siya. Pero minsan iniisip ko, anong magiging future namin ngayong nasa last phase na ako ng buhay ko? Sana po masagot ninyo ako.
Elvira, Baguio City
Grabe ka naman Ateng! Last phase na agad,eh, 55 years old ka lang! Paano ka sasaya niyan kung feeling mo last phase na agad ng buhay mo?
Let’s start this on being positive, OK? Fifty five ka pa lang kaya may ligaya pa ang buhay! Now, sabihin mo ‘yan sa sarili mo at paniwalaan mo.
OK, ngayon tingnan natin ang sitwasyon mo – may boylet ka kamong 37 years old, so ibig sabihin may asim ka pa, ateng! Tarayyy!!! May trabaho at binata, at basically nagkakaintindihan kayo at walang problema.
Pero ang problema nga ay itong mga junakis mo – feeling nila peperahan ka lang ni boypren. Hmmm….gaano ka ba kayaman at pagkakaperahan ka? May pensyon ka bang libo-libong piso? May sustento ka ba mula sa mga anak mo na milyones kaya natatakot sila?
Impernes, may point naman sila sa pag-iisip na baka pagkaparehan ka lang ni boylet. Kaya mo bang sustentuhan ang mga pangagailangan ni boylet? Hahaha! Joke lang…
On the other hand, I’m sure may kasiyahang naibibigay si boylet sa pagiging mahaba ng buhok mo na hindi kayang ibigay ng iyong mga anak. Kaso lang, ikaw mismo ang takot kung ano ang magiging future ninyo.
So yung future mo, ateng Elvira, ay nakasalalay sa desisyong gagawin mo ngayon. Gusto mo bang sumugal sa mga anak mo kasama ang pera mo na safe sa inyong pangangalaga? Pwede naman kayong mag-usap siguro na bigyan ka ng pagkakataong maging masaya. Wala naman sigurong kalakihang pera ang mawawala sa iyo pag magkasama kayo ni boylet.
O gusto mong sumugal sa lalaking pinagdududahan mo dahill lang sa bata siya. Bakit di mo siya
bigyan ng kondisyong siya ang magsusutento sa iyo since may trabaho naman siya. Pag nag-atubili siya, eh, di alam na this.
Balik tayo sa tanong mo – ano nga bang future mo? Walang makakapagsabi, di ba? Kaya habang mayroon kang ngayon, sana piliin mong maging masaya. In short, nasa iyo pa rin ang pagpapasya, saan ka magiging mas masaya, dumoon ka.
May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay i-text sa 09989558253.