Temperatura sa Baguio bumaba ng sa degrees

NAGISING ang mga residente sa Baguio City na giniginaw matapos bumaba ang temperatura sa 12 degrees Celsius, mula sa 13 hanggang 14 degrees na nararanasan simula noong isang Linggo. 

Mas mainit ito kumpara sa pinakamababang naitala na umabot ng 11.4 degrees noong Enero 13, ayon kay Ceferino Hulipas, chief meteorological officer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) station sa Baguio at Benguet. 

Pinayuhan niya ang mga residente na magsuot ng mas makakapal na kasuotan sa mga susunod na araw.  

Read more...