Nadiskubre ni Wardly Centeno, isang speedboat operator, ang drum na naglalaman ng hinihinalang droga sa baybayin ng Brgy. Dipudo dakong alas-2:30, sabi ni Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley regional police.
Nakalagay ang hinihinalang droga sa 18 pastic bag, na pawang mga nasa loob ng asul na container na tinatayang nasa 3′ ang taas, aniya.
“Ang estimate per plastic bag ay 1 kilo each,” ani Iringan.
“Sa istura ng kargamento ay kahalintulad nito ang shabu, pero upang makatiyak tayo ay kinakailangan natin itong ipasuri,” sabi naman ni Senior Insp. Jonathan Ramos, hepe ng Divilacan Police.
Dinala na ang hinihinalang droga sa Regional Crime Laboratory Office sa Tuguegarao City at nakatakdang suriin Martes, ani Iringan.
MOST READ
LATEST STORIES