Dating sikat na aktres walang paki sa namatay na kapamilya, kaibigan

“SHE is a bad person,” direktang pahayag ng isang pamosong producer/director sa isang dating sikat na sikat na sikat na personalidad na madalas hindi nagpapakita o nagpupunta sa burol ng mga taong nakatulong sa kanyang career.

Maraming show at pelikula ang ibinigay ng pamoso at aktibo pa ring producer/director sa dating sikat na sikat na sikat na aktres na ito, pero marami rin umano ang problemang hinaharap niya ng dahil sa aktres.

At kapag daw natulungan mo na ito, ni hindi marunong magpasalamat dahil katwiran niya ay malaki naman ang kinita mo dahil sa kanya.

Hindi lang daw isa o dalawang beses na meron itong yumao o namaalam na kaanak, kaibigan o mentor na sobrang nakatulong sa kung anuman ang narating niya sa industriya, pero super sad to say, ni hindi man lang nito sinilip ang kanilang mga labi.

Kaya nga walang kaabog-abog siyang sinabihan ng ilang mga kasamahan niya sa showbiz ng, “bad person.” Aray!!

Read more...