Erich sinulsulan na wag papakabog kay Lovi, tumodo sa hubaran at dyugdyugan

ERICH GONZALES AT TOM RODRIGUEZ

ITO pa ang nakakaloka, totoo rin kaya ang tsismis na diumano’y binilang ni Erich Gonzales ang mga highlights niya sa upcoming movie niyang “The Significant Other” ni direk Joel Lamangan?

Nang ialok daw kasi kay Erich ang controversial sexy movie, hindi ito agad pumayag kung hindi siya ang lalabas na pinakabida, kasama nina Lovi Poe at Tom Rodriguez.

At dahil sa kuwento ay mag-asawa sina Lovi at Tom (secret), si Erich nga ang naging “significant other” dahil siya ang naging third wheel sa istorya.

Dahil dito, ang tsika ay talagang binantayan daw ni Erich ang mga highlight scenes ni Lovi para maikumpara sa mga ginawa niyang eksena.

At true rin kaya ang chika na may nagsulsol kay Erich na hindi siya dapat magpatalbog kay Lovi pagdating sa hubaran kaya naman give na give rin ang aktres sa mga love scene nila ni Tom. May ganern si ate gurl?!

Read more...