ROBIN ‘bawal’ sa Amerika; MARIEL hinarang sa US Immigration | Bandera

ROBIN ‘bawal’ sa Amerika; MARIEL hinarang sa US Immigration

Alex Brosas - June 22, 2013 - 04:03 PM


Robin Padilla felt quite disappointed when he was denied nang mag-apply siya for a US visa. May sakit kasi ang isang taong malapit kay Mariel Rodriguez kaya naman kinailangan niyang magpunta sa US. Kaya lang ay hindi nga na-approve ang visa ni Robin kaya hindi siya nakasama.

Sey ni Robin sa isang TV interview, “Ang magkita kami ng tatay niya, yun lang naman ang hangad ng asawa ko—ang magkita kami ng tatay niya at pormal kong mahingi ang mga kamay nung dalaga niya.”

Feeling din ni Robin ay nadamay pa si Mariel sa sitwasyon niya dahil halos tatlong oras daw na-question ang asawa sa Immigration office pagdating nito sa US airport.

If he’s quite disappointed sa nangyari ay bawing-bawi naman si Robin sa kanyang latest commercial for Revicon Forte.
Action star na action star kasi ang dating ni Binoe sa mga eksena niya sa kanyang latest TV ad na nagmaso ng bato kasama ang sangrekwang lalaki.

Ang ganda-ganda ng rehistro niya sa screen at talaga namang hero na hero ang kanyang dating. As an action star ay alagang-alaga ni Robin ang kanyang katawan, palagi siyang nasa kondisyon. And this was very visible in his TV ad.

We feel na sobrang nami-miss na ni Robin ang paggawa ng action films. At malamang ay tuwang-tuwa siya na kahit paano ay nakagawa siya ng isang commercial na nagpakita muli sa kanya bilang action star.

Actually, si Robin na lang yata ang mukhang bata pa rin among our action stars. Sobrang maalaga kasi siya at madisiplina sa kanyang katawan na kitang-kita naman sa kanyang to-die-for bod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending