Payo kay Vice: Alagaan ang sarili…kung walang health walang wealth!

VICE GANDA

KONTING pahinga pa at babalik na uli sa kanyang regular na trabaho si Vice Ganda. Tama ang kanyang desisyon na unahin muna ang kanyang sarili bago ang anuman dahil baka lumala pa ang kanyang nararamdaman.

Madalas manakit nu’n ang kanyang tiyan, akala niya’y kung ano lang ‘yun, kaya kinailangan na niyang magpa-check-up para malaman kung ano ang tunay na dahilan ng problema.

Sabi ng aming source na kaibigan ng magaling na komedyante-TV host, “Alam n’yo naman si Vice, todo-pasa lang ‘yun! May masakit sa kanya, hindi niya ‘yun papansinin, work pa rin siya nang work!

“E, may mga bato na palang humaharang sa pag-ihi niya, kailangan nang tanggalin, dahil kung hindi, e, baka sa kung ano pa ‘yun mauwi. So, kinailangan na niyang mag-undergo ng operation,” kuwento ng aming source.

Nasa ospital na si Vice ay puro trabaho pa rin ang kanyang iniisip, may mga kompromiso kasi siyang kailangang kanselahin, hindi niya gusto ang nangyari pero kailangang makipag-ugnayan ang mga nagpapatakbo sa kanyang career para maabisuhan ang mga natanguan niyang trabaho.

Talagang kailangang unahin muna ni Vice Ganda ang kanyang katawan, hindi biro ang mga ginagawa niya sa maghapon, palagi siyang stressed at pagod sa dami ng kanyang raket.

Health is wealth, sabi nga, pero ano ang mangyayari kung magiging sakitin naman siya? Kung walang health ay wala ring wealth.

Read more...