Young female star tumahimik, umayos ang buhay at career nang layasan ang nanay

MEDYO nagkaroon ng laman ang katawan ng isang young female personality mula nang humiwalay na siya ng tirahan. Maraming nakapansin na parang kumakain na sa tamang oras ang bagets ngayon.

Kontrobersiyal ang relasyon nilang mag-ina, hindi sila magkasundo, sa halip na itago ng mommy niya ang mga nagaganap ay ito pa mismo ang nagbabando ng kanilang mga problema.

Madalas siyang ipahiya sa social media ng kanyang mommy, pati ang mga nangyayari sa loob ng kanilang tahanan ay napapasok ng publiko, dahil palaging nagpo-post ang kanyang ina ng kung anu-anong reklamo tungkol sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Malaki ang itinaba niya, may mga laman-laman na ngayon ang katawan niya, hindi tulad nu’n na para na siyang tingting sa sobrang kapayatan! Mula nu’ng magsarili na siya, e, nagbago na ang itsura niya.

“Una, mararamdaman mo na may peace of mind na siya, napakalaking bagay nu’n para sa isang tao, di ba? ‘Yung nakakatulog ka nang mahimbing, ‘yung wala kang bitbit na sama ng loob bago ka matulog, napakaganda nu’n!

“Ikalawa, nakakain na niya ang gusto niya ngayon, hindi tulad nang dati na umaalis siya ng bahay para magtrabaho nang hindi kumakain. Natural, dahil palagi siyang pinapansin ng mommy niya, hindi na lang kumakain ang bagets!

“Pero ngayong nakahiwalay na siya, e, nasusunod na ang gusto niya. Mabait ang batang ‘yun, kahit pa nagsarili na siya, e, walang dapat intindihin ang mommy niya na baka magrebelde siya.

“Mabait siya, hindi lang siya binigyan ng chance ng mommy niya na maipakita ‘yun dahil napakainit talaga ng dugo sa kanya. Saan ka naman makakakita ng nanay na kapag paalis na ang anak niya, e, ayaw ipagamit ang car nila?

“At hindi niya pinapapasok ang driver nila kapag alam niyang may lakad ang anak niya, ganu’n siya katindi. Malalaman na lang ng bagets na wala palang magda-drive para sa kanya dahil sinabihan ng mommy niya ang piloto nila na huwag papasok.

“Ngayon, nagagawa na ng bagets ang mga gusto niya, malayang-malaya na ang kalooban niya ngayon.

Masayahin na siya, hindi na siya palaging malungkot dahil sa pagtrato sa kanya ng mommy niya.

“Sabi na nga sa inyo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pabalikin n’yo uli sa Saigon ang mommy ng bagets na ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Read more...