Barbie posibleng pumalit sa trono ng Primetime Queen

BARBIE FORTEZA

KUNG may isang Kapuso youngstar na talagang gustung-gusto ni Marian Rivera, ‘yan ay walang iba kundi si Barbie Forteza.

Natanong kasi ang aktres sa nakaraan niyang presscon kung sino sa mga Kapuso young talent ngayon ang talagang nagpapabilib sa kanya sa tuwing napapanood niya.

Tugon ni Marian, “Actually, ang nakikitaan ko talaga na sinasabi ko, tuwing magkasama kaming dalawa, si Barbie talaga.

“Kasi very transparent din yung bata, mahal din niya yung trabaho niya, mapagmahal siya sa pamilya niya. At ang trabaho sa kanya, trabaho talaga,” dagdag pa ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen.

In fairness naman kay Barbie, kung kami rin ang papipiliin sa mga kabataang artista ng GMA na napakalaki ng chance to make it big sa industry at posibleng maabot din ang kasikatang tinatamasa ni Marian, siya rin ang choice namin.

Versatile rin kasi ang dalaga tulad ni Marian – magaling sa drama at maaasahan din sa comedy.

Read more...