KZ Tandingan lalaban sa Singer 2018 ng China

KZ TANDINGAN

HALOS lahat ng Cornerstone artists ay going places na kaya masaya ang talent manager dahil lahat ay may kanya-kanya nang ganap. At alam n’yo ba na aabot na sa 100 ang artists na hawak niya.

“Ang dami-dami pang gustong magpa-manage, pero namimili ako kasi mahirap din naman na basta tanggap lang kami nang tanggap tapos wala naman pala kaming maibigay,” aniya pa.

Bukas ay lilipad naman patungong China si Erickson para mapanood ang singing competition na sasalihan ni KZ Tandingan na may titulong Singer 2018 na gaganapin sa Biyernes.

“Hindi ko nga kilala kung sinu-sino ang mga kasama, basta tinawagan lang si KZ, puro Chinese ang kasali, dalawang bansa lang ang hindi Chinese.

“Wala pa akong detalye kung anong mangyayari kung mananalo, kung kailangang mag-stay doon. Hindi ko nga rin alam kung ano ‘yung contest piece niya,” kuwento ng manager ni KZ.

Sa nakuha naming impormasyon, makakalaban ni KZ sa kumpetisyon ang Taiwanese pop singers na sina Angela Chang at Sam Lee.

Read more...