Ina ni Janella galit na galit: Makapal na, sinungaling pa!

USAP-USAPAN naman kahapon sa social media ang bagong “hugot line” ng nanay ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio.

Isang one liner kasi ang ipinost ng singer-actress sa kanyang Facebook account kamakailan. Aniya, “Makapal na, sinungaling pa!”

Siyempre, kanya-kanyang komento ang fans ni Janella, at marami ang nagsabi na siguradong ang ka-loveteam na naman daw ng dalaga na si Elmo Magalona ang pinatatamaan nito.

Ito’y matapos ngang magdenay si Elmo na siya ang tinutukoy ni Jenine sa post nito noong Disyembre tungkol sa isang “gatecrasher” sa kanilang family reunion bago magtapos ang taon.

Ang sabi ni Jenine, “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions. Do you really just do this as in come uninvited? And how could you enjoy knowing i did not come in knowing you were there?

“My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted? Think again. If you can. #angkapal.”

Matagal nang napapabalita na hindi raw boto si Jenine kay Elmo para sa kanyang anak. Hindi naman madiretso ng nanay ni Janella kung sino talaga ang kanyang tinutukoy sa mga ipinopost niya sa social media.

Sa bagong paandar ni Jenine sa kanyang “Makapal na, sinungaling pa!” post ay marami na namang nam-bash sa kanya, karamihan dito ay mga ElNella fans na galit na galit na sa ginagawa niyang pambabasag sa sinusuportahan nilang loveteam.

Pinayuhan pa nila ang veteran singer na kausapin na lang nang masinsinan ang anak at si Elmo para magkaintindihan sila at hindi sa social media idinadaan ang kanyang galit na ikinasisira rin ng sarili niyang anak.

Read more...