Ellen lagi na lang nakadikit kay John Lloyd; may bagong hugot kay Angelica


MULING nagparamdam ang magdyowang Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa mundo ng social media.

This time, nag-post ang sexy star ng bagong photo nila ni Lloydie habang may karga siyang bata.

Pero bago pa mag-isip ng malisyosong bagay ang netizens, ang batang karga-karga ni Ellen ay anak ng isa sa kanyang mga BFF na si Beauty Gonzales. Hindi lang malinaw kung saan kuha ang nasabing litrato.

Sa comment section, may isang netizen ang nagsabi tungkol sa isang taong “feelingera” raw na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on. Siyempre, ang nasa isip ng mga followers ni Ellen ay ang ex-girlfriend ni John Lloyd na si Angelica Panganiban.

Sey ni @ofw_hinanaings sa Bisaya, “Besh, pasuyaa ug maayo tong feelingera besh bhe kay makalagot sya di gihapon ka move on uy!!! Peshtey!!!” na kapag isinalin mo sa Tagalog ay, “Besh, lalo mong pagselosin ‘yung taong nagpi-feeling besh ha, kasi nakakainis na siya. Hindi pa rin talaga siya maka-move on uy!!! Peste!!!”

Ito naman ang naging tugon ni Ellen Adarna, “@ofw_hinanaings makaingun to ug ‘ay kog labda dzai.’” Na ang ibig meaning naman ay, “Sasabihin nu’n, ‘Huwag ninyo akong gawing sakit ng ulo, ‘Dai.”

Kung matatandaan, pinagpiyestahan ang mga hugot lines ni Angelica tungkol sa isang ex-boyfriend niya na inahas daw ng dyowa nito ngayon. Hindi man diretsong pinangalanan ng Kapamilya actress kung sino ito, naniniwala ang madlang pipol na ang tinutukoy niya ay sina John Lloyd at Ellen.

Hugot pa ni Angelica, “Excuse me, ha! Inagaw mo lang ‘yan sa ‘kin! Tapos ikaw pa ang proud. Tigilan niyo ‘yan.”

May isa namang fan si Angelica ang nagkomento laban kay Ellen. Para raw kasing takot na takot itong maagaw ng ibang babae si John Lloyd dahil lagi na lang nakadikit sa aktor. Binalaan pa niya ito na baka bukas-makalawa ay sawa na rin sa kanya ang binata.

Read more...