ATAT nang magkaroon ng apo ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang panganay na anak na si Karylle at mister nitong si Yael Yuzon. Tanggap na tanggap na niya ang maging lola.
“Si Zia (her youngest daughter) naman is very young, still. But well, nagsalita ako, 16 ako when I had Karylle. And I had her, age niya ngayon, 26. Uh, well, it depends, ‘pag ready na sila,” tukoy ni Zsa Zsa kay Zia at boyfriend nito na si Robin Nievera.
Aminado si Zsa Zsa na sensitibong topic ang pagtatanong sa anak niyang si Karylle kung ano ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa sila nagkakaanak ni Yael.
“I think they’re working on it. ‘Yun ang alam ko lang. So, I hope it happens soon and I’m praying for them,” sambit niya.
About her lovelife, happy pa rin sila ng live-in partner niyang si architect Conrad Onglao. Hindi na raw nila inaasam pa ang magkaroon ng sarili nilang baby. Forty-six pa lang ay nag-menopause na si Zsa Zsa.
Kaya give-up na siya na magkakaroon pa ulit ng anak. She’ll turn 54 on May 28.
At kahit three years and a half na silang magkarelasyon, hanging pa rin daw ang tanong tungkol sa kasal, “Pagkatapos ng wedding saka ko na lang ikukuwento kung bakit mahaba ang kalbaryo,” seryosong sabi ni Zsa Zsa.
Just in case matuloy ang kasal nila ni Conrad, nilinaw niya na hindi isyu ang pera. Kaya wala siyang balak na magpapirma ng prenup agreement.
“Ako? Mayaman ako,” kasunod ang malakas na tawa ni Red Dragon sa seryeng Wildflower. “Kung siya ang magpa-prenup? I don’t know. Basta ano, madali naman ‘yun, e. There are so many ways to settle things.”
Sa Hongkong mag-i-spend ng Valentine’s day sina Zsa Zsa at Conrad. May concert naman ang Divine Diva sa Cebu on Feb. 9.
q q q
Samantala, outfit pa lang ay lutang na ang pagiging Red Dragon ni Zsa Zsa sa finale presscon ng Wildflower. Halos makita na kasi ang kabuuan ng dibdib niya sa suot niyang color beige gown.
“Hindi ko kasi alam na ganito ang outfit ngayon. But he (Conrad) knows naman, e. I think parang si Dolphy, hindi naman ako hinahawakan, hindi ba? He knows that it’s a costume.”
Hindi naman daw seloso si Conrad unlike her, “Selosa ako pero with a reason. Kasi, hindi naman ako makulit, e.
“Hindi ako ‘yung tawag nang tawag kapag wala sa bahay, kasi sobrang respetado ko ang trabaho. Tsaka ako kapag nagtatrabaho, ayaw ko rin nang kinukulit. Gusto ko talaga, breaks, doon lang mag-uusap.”
Ayaw daw niya na may umaali-aligid pa kay Conrad na knows naman na girlfriend na siya, “Kumbaga, alam mo nang may girlfriend, nagpaparamdam pa ‘yung girl. Ayaw ko nang ganu’n. Siyempre, that’s very disrespectful. So, doon nagseselos ako.”
After ng Wildflower, wala pa raw siyang tinatanggap na offer. Gusto raw kasi niyang i-conserve ang kanyang boses para sa show niya sa Cebu.
“Gusto ko na nga mag-next soap ulit, e, kaya lang nase-sepanx ako (separation anxiety). May offer ako na mag-guest, ‘di ko matanggap dahil sa boses. Sabi ko, may show pa ako. Tapos, feeling ko rin parang hindi pa ako maka-shake-off sa role ko Red Dragon. Sobrang na-enjoy ko siya,” pag-amin ni Zsa Zsa.
In fairness, simula pa lang ng Pebrero, 2017, nanguna na sa ratings at trending gabi-gabi sa social media ang Wildflower.
Nakuha nito ang highest national rating na 35.2% sa episode na ipinalabas noong Oktubre, 10. Ito ang pinakamataas na rating na naitala ng isang programa sa 6 p.m. timeslot sa nakalipas na mga taon.
At sa huling dalawang linggo, magaganap na ang tinaguriang “wildest ending” sa primetime TV sa pagtatapos ng Wildflower ni Maja Salvador. Kasama rin dito sina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Vin Abrenica, Sunshine Cruz at marami pang iba.