Hunk actor walang ginawa kundi magpalaki ng katawan, ginugutom ang driver at alalay


NAKAKALOKA ang mga pinaggagagawa ng isang hindi na gaanong aktibong hunk actor.

Talagang buong-ningning niyang ipinaglalantaran ang kagandahan kuno ng bulto ng kanyang katawan para makapang-imbita siya ng atensiyon ng mga kababaihan at ng mga becki.

Wala siyang hiya-hiya, tinitilad niya ang bawat parte ng kanyang katawan para maipakita sa social media, halos sambahin na ng hunk actor ang kanyang mga muscles at abs.

Kuwento ng isang source, “Matagal na siyang ganyan, hindi pa nga lang uso ang social media nu’n! Ugali na niyang ipagbuyangyangan ang mga pictures niya, talagang number one fan siya ng body niya!

“Sa gym na nga siya nakatira, di ba? Halos wala na siyang panahon para sa ibang bagay, puro pagpapalaki lang ng muscles ang inaatupag niya!

“Di nga ba, ilang staff na niya ang umalis sa poder niya dahil nagugutom? Paano, diet siya nang diet, kung anu-anong gulay at prutas ang kinakain niya, kaya palaging nagugutom ang driver at alalay niya!

“Wala na siyang ginawa kundi ang mag-gym, du’n na siya nakababad, talagang sinasamba niya ang maganda raw niyang katawan!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Napakalakas ng loob niyang mag-imbita sa mga kababaihan sa social media. Diretso niyang sinasabi na sana raw ay matikman ng girl ang maganda niyang katawan na pang-Mr. Universe na ang pagkahulma.

“Siya ‘yung hunk actor na kapag inimbitahan mong mag-show sa isang probinsiya, e, gym muna ang itatanong agad sa promoter. Meron daw bang gym sa titirahan niyang hotel?

“Kapag wala, e, hindi siya pumapayag, malaki raw kasi ang mababawas sa ganda ng body niya, kaya n’yo ‘yun? Ganu’n siya katindi, walang makatatalo sa sobrang pagmamahal niya sa katawan niya.

“Wala nga siyang karelasyon, di ba? Hunk na hunk ang male personality na ‘yun, pero may girlfriend ba siya? Katawan niya ang karelasyon niya!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may kaapelyido siyang sikat na international tennis player. ‘Yun lang!” pagtatapos ng aming source.

Read more...