Garin sinugod ng mga nanay ng batang nabakunahan ng Dengvaxia

 Sinugod ng mga nanay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia si dating Health Sec. Janet Garin matapos ang pagdinig ng Kamara de Representantes.
    Tinangkang lapitan ng mga nanay si Garin ng papasok ito sa elevator pero naharang sila ng mga guwardya at miyembro ng Legislative Security Bureau.
    “Bigyan nyo kami ng atensyon kasi (habang) yung mga anak namin buhay pa,” saad ng isa sa mga nanay na nagsisigaw sa lobby ng South Wing Annex Building kung saan isinagawa ang pagdinig ng House committees on good government and public accountability at on health.
    Ang mga nanay ay nakasuot ng t-shirt na may tatak na “Justice for Dengvaxia Victims”.

Read more...