Ibinasura ng Ombudsman ang reklamong graft at terrorism financing laban kay Sen. Leila de Lima at dating Sulu Vice Governor Abdusakur Tan kaugnay ng pagpapalayas ng umano’y mga miyembro ng Abu Sayyaf noong 2013.
Sa siyam na pahinang resolusyon, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na wala itong nakitang probable cause upang magsampa ng kaso laban kay de Lima, Tan, dating National Commission on Muslim Filipinos chair Mehol Sadain at commissioner Edilwasif Baddiri, at abugado ni tan na si Wendell Sotto.
Ang mga akusado ay inireklamo noong Nobyembre 2016 nina Temogen Tulawie at Abner Tahil dahil sa pagpapalaya umano ng apat na miyembro ng ASG kapalit ng pagtestigo ng mga ito laban sa kanila.
“Complainants did not talk to or even overhear any of respondents. Neither did they personally see them nor smell them,” saad ng resolusyon. “Complainants did not witness in person any of respondents talk, or make an offer, to the alleged ASG inmates.”
Wala rin umanong ebidensya na nagpapatunay na miyembro ng ASG ang apat.
“Without evidence, allegations are just empty words. Allegations can never be considered as repositories of truth…,”
Ang reklamo ay batay sa kuwento ni Tahil sinabihan siya nina Mohammad Sali Said at Mujibar Bong Amon noong 2012 na pakakawalan sila kung titestigo laban sa kanya kaugnay ng pambobomba sa Patikulo, Sulu.
MOST READ
LATEST STORIES