“Masyado naman s’yang ninenerbyos agad para sa amo n’ya,” sabi ni Trillanes kay Pimentel.
Ito’y matapos sabihin ni Pimentel na hindi ang Senado dapat magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y ill-gotten wealth nina Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Besides, it was Duterte himself who challenged the Senate to investigate his bank account. So, ito na ang sagot sa hamon ng amo n’ya,” dagdag ni Trillanes.
Umabot umano sa mahigit P100 milyon ang pinagsamang deposito nina Duterte at Mayor Sara sa Bank of the Philippine Islands.
“If he (Trillanes) really has the evidence then he should bring an actual case in the proper body. (The) Senate is not the body for that. We are part of legislative action,” ayon kay Pimentel.