Klase sa Baguio sinuspinde matapos ang intensity 4 na lindol

NIYANIG ng intensity 4 ang Baguio City alas-8:42 kaninang umaga dahilan para isuspinde ang klase sa dalawang malalaking paaralan.

Ito’y matapos maitala ang magnitude 3.8 na lindol  apat na kilometro silangan ng bayan ng Pugo, La Union.

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na wala namang aftershock na inaasahan.

Kabilang sa mga nagsuspinde ay ang Saint Louis University, ayon kay  SLU Student Affairs Dean Andrew Macalma.

Suspendido rin ang pasok sa Pines City Colleges. 

Read more...