Garin sinugod ng mga nanay ng batang nabakunahan ng Dengvaxia | Bandera

Garin sinugod ng mga nanay ng batang nabakunahan ng Dengvaxia

Leifbilly Begas - February 05, 2018 - 06:14 PM
 Sinugod ng mga nanay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia si dating Health Sec. Janet Garin matapos ang pagdinig ng Kamara de Representantes.     Tinangkang lapitan ng mga nanay si Garin ng papasok ito sa elevator pero naharang sila ng mga guwardya at miyembro ng Legislative Security Bureau.     “Bigyan nyo kami ng atensyon kasi (habang) yung mga anak namin buhay pa,” saad ng isa sa mga nanay na nagsisigaw sa lobby ng South Wing Annex Building kung saan isinagawa ang pagdinig ng House committees on good government and public accountability at on health.     Ang mga nanay ay nakasuot ng t-shirt na may tatak na “Justice for Dengvaxia Victims”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending