Bata niratrat ng tandem, dedo

NASAWI ang binatilyo ma-tapos barilin ng riding-in-tandem habang pauwi ng bahay mula sa internet shop sa Purok Makabibihag Uno sa Brgy. Sta. Lucia, Pagadian City, kaninang madaling araw.
Kinilala ni Supt. Benito Rocopuerto, hepe ng Pagadian City police station, ang biktima na si Saidamen Diamla.
Ani Recopuerto, katatapos lamang maglaro ni Diamla sa internet shop sa Pulmones st. at pauwi na ng bahay kasama ang mga kaibigan nang tabihan sila ang riding-in-tandem alas-3 ng umaga.
Naalarma ang grupo at nagtakbuhan para magtago.
Hinabol si Diamla ng mga suspek at pinagbabaril nang maabutan.
“The boy had a single gunshot wound on his left chest,” sabi ni Reco-puerto.
Base sa pagsusuri, ginamitan ang biktima ng kalibre- .45 pistola.
Ayon kay Sittie Diamla, ina ng biktima, base sa testimonya ng mga testigo ay lumuhod pa at nagmakaawa ang kanyang anak, ngunit binaril pa rin ng mga suspek.
Hindi niya batid kung bakit pinatay ang kanyang anak.

Read more...